Tukso, Layuan Mo Ako!

Published by

on

Dear Kuya Ed,

Ako po ay namamasukan bilang isang katulong dito sa Hong Kong. Malapit lang sana ito sa Manila, kaya lang hindi po ako makakauwi ngayong Pasko dahil bago pa lang po ako sa trabaho. May asawa po ako pero wala pa po kaming anak. Nalulungkot po ako dito at may isang lalaking may gusto sa akin. Ang problema po, parang natutukso na rin po ako sa kanya dahil mabait. Ano po ba ang dapat kong gawin?

Darlene

__________

Dear Darlene,

Mahirap nga ‘yang sitwasyon mo–malayo ka sa asawa mo. Ang dapat ay lagi kayong magkasama dahil yan ang dahilan kung bakit nag-aasawa ang tao. Pero nandyan na ‘yan. Mahirap mang gawin, subalit kailangan mong magpakatatag. Iwasan mo ang lalaking may gusto sa ‘yo at huwag kang padala sa tukso. May asawa ka na at ang mga pangako na ginawa mo sa inyong kasal ay binigkas mo hindi lamang sa harap ng tao kung di sa harap ng Diyos.

Kung ikaw ay hiningi ng tulong sa Panginoon, tutulungan ka Nya. Bibigyan ka ng Panginoon ng lakas upang maiwasan mo ang tukso. At ganito ang sabi sa Biblia, “Walang pagsubok na dumating sa iyo maliban sa karaniwang pagsubok sa tao. Ang Diyos ay matapat, na hindi ka pababayaang masubok nang higit sa makakaya mo. Kasabay ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para makaligtas ka nang sa gayon, makayanan mo ang pagsubok” (1 Mga Taga-Corinto 10:13).

Ang dalangin ko, sana ay magkaroon ng pagbabago sa buhay nyong mag-asawa upang kayo ay hindi na muling magkalayo. Tawagan mo sya at ipadama mo sa kanya ang iyong pagmamahal at katapatan.

Lumiham kang muli at ipaalam mo sa akin kung may pagbabago, hane?

Kuya Ed

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.